Pikit mata akong lumakad sa baybay dagat
Pilit pinakikiramdaman ang ihip ng hangin sa aking mga mukha
Dapit hapon na pala at mataas na ang tubig
Parang buhay... di mo namamalayang papadilim na at di ka makaahon sa lalim ng problema.
Binuksan ko ang aking mga mata.... nasilaw ako nang bahagya pero pinilit kong masanay ang aking mata.
Ganoon rin daw ang buhay, kailangan mong pilitin mabuhay kahit masakit, kahit mahirap.
Pero sa gayon, lumalakas ang loob, tumitibay ang damdamin.
Ano nga ba ang nasa kabilang dako ng nakikita natin ngayon?
Bukas na walang kaseguruhan... bukas na maraming posibilidad ng pag-asa.
Ganyan ang buhay...parang agos ng dagat, minsan malakas, minsan dumadampi lang sa aking paanan.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home