Kawangis....
Kawangis ng ulan...
Bumuhos ng malakas
Sa araw na nagsimulang kayganda ng sikat ng araw.
Kawangis ng hangin
Dumampi sa aking pisngi
Tumuyo sa pawis at nag-alis sa init ng panahon.
Kawangis ng ulap
Nagbabago ng anyo
Lumilipas habang tumatagal.
Lahat ng mga ito ay katulad mo...
Biglang dumating....kaybilis ring naglaho.

1 Comments:
isn't it a pity that you should see only a fleeting glimpse of your forever? i hope you find her once more ....
Post a Comment
<< Home